yamaha raptor 250r

Thursday, April 5, 2007

Santo Santo ang Inabot ko!!!!

Grabe ang nangyari kahapon mga kaibigan ko!!! Kahapon ay Ikaapat ng Abril taong dalawang libo at pito, Habang papauwi galing ng opisina ay inabot ako ng siyam-siyam sa pagsakay ng bus papuntang Five Star Bust Terminal sa may Cubao, Quezon City, isipin niyo na lang ha sumakay ako ng jeep papuntang Shaw Blvd. o kilalang crossing sa may Ortigas malapit sa EDSA Shangri-la at ako si tanga ay bumaba ng One San Migue Avenue Building ng hindi naisip na malayo pa ako sa aking babaan, at eto pa ang malupit na nangyari nasita ako ng pulis na sumasakay sa Bus na nasa ilegal ba sakayan at buti na lang at nag GO o nag GREEN light at nilayasan na namin ang pulis at natakot ako na baka bigla kaming habulin ang hulihin dahil sa hindi sila nagsasakay sa tamang sakayan at ako na hindi sumasakay sa tamang sakayan, at eto pa tumagal ang biyahe ko ng 1 oras at kalahati bago ako nakarating sa aking patutunguhan yun nga eh Five Star Bus Terminal sa may Cubao, Quezon City at sa aking pagbaba eh nakita ko na parang konti yata ang umuuwi ng Pampanga eh sa aking maling akala eh bigla akong sumakay ng bus patungong pampanga at ayun sinita ako ng conduktor at sinabi sa akin "Doon po ang pila boss" sabi ko naman "Huh??? Saan" at pagkaturo ng konduktor sa likod napalingon ako at biglaang nahulog ang aking panga sa pagkakita ko sa buhol-buhol na pila na sa sobrang haba e parang aabutan ako ng lingo ng pagkabuhay bago ako makasakay papauwi!!! At ayun ng eksaktong pipila na ako eh nakita sa likuran ng bus terminal eh may FX na nagsasakay hanggang San Ferndo City, Pampanga at dagli dagli kong sinunggaban ang pagkakataon na makasakay sa FX para makauwi ng maaga sa amin, ayos lang kahit na nagbayad pa ko ng P200.00 (dalawang daang piso).

Sa susunod hindi hindi na ako uuwi ng Mahal na Araw dahil Santo-Santo ang inabot ko!!!


0 Comments: