yamaha raptor 250r

Tuesday, April 3, 2007

Hindi ako Makapaniwala!!!

Hindi ko makakalimutan ang mga pangyayari sa buhay ko ngayong araw na ito at bago ko i kwento sa inyo eh isusulat ko muna kung anong petsa ngayon at ngayon ay ika 3 ng Abril taong dalawang libo at pito, at ngayon ilalahad ko na kung ano ang mga nangyari sa araw na ito... Una, hindi ako makapaniwala na nagtratrabaho na talaga ako sa kumpanyang napakasaya ng mga manggagawa at ng lugar. Ikalawa, hindi ako makapaniwala na ang mga kasama ko sa trabaho eh mga Atenista, La Sallista, UP Diliman, Miriam College at lahat ng magaganda at galing silang lahat sa mga prestisyosong unibersidad!!! Nakakawindang!!! Nahihiya ako sa kanila!!! Grabe na ito!!!... at ang Ikatlo ay masaya ako kasi may trabaho na ako uli!!! pagkatapos akong pahirapan ng aking nakaraang kumpanya, pagkatapos nila akong gawing trumpo, at pagkatapos nila akong itapon sa ibang account eh sa wakas nakatagpo na ako ng kumpanyang masasabi ko na magtatagal ako!!!

At ayan po ang nilalaman ng aking blog ngayong araw na ito at sana eh may napulot kayong makatuturang bagay... O siya na mga mambabasa ng aking blog, bukas na lamang ulit!!! Mabuhay po tayong lahat!!!



2 Comments:

vP Ortiz said...

hey may blog na din si vins!!! thinking of also creaitng my own blogger acocunt. baduy sa friendster eh.. well, patunayan mo na kahit sa province ang university natin, kaya nating makipagsabayan sa kanila! hehe. ingat!

emosyonngdiosa said...

buti masaya kana jan, kaya pla kinalimutan mo na kmi. humpp! (tampo) heheh. sana nga makita mo na kasiyahan jan sa bago mo work. ako din mejo not happy nako pero bahala na. maganda pa rin nman eh. check mo blog ko http://drblogclot.21publish.com/cliogoddess