yamaha raptor 250r

Friday, February 15, 2008

Tatanggapin ko ba o Hindi?

Eto walang magawa ang inyong lingkod kaya nagblog na lang ako kesa matulog sa worstation ko... Umpisahan natin ang lahat sa mga bagay-bagay na nangyari sa akin kahapon. May sideline ako ngayon na related sa aking trabaho ngayon (ang mag promote ng websites ng kompanya namin) at hindi ko inakala na sa akin nila ibibigay o iaalok ang nakakalulang offer ng aking extra work... Ni hindi nga ako makapiwala sa mga sinabi sa akin, sinong ba namang hindi malulula sa alok na doble pa ng nakukuha ko sa employer/kompanya ko ngayon, at tuloy na stress na naman ako sa kakaisip kagabi kung kukunin ko ba ang alok na yon, siyempre inisip ko ang mga pros & cons kung aalis ako at tatanggapin ang inaalok nila sa akin at eto ang mga napagnilayan ko...

Positibo
  • Home base so walang hassle sa pagpunta ng opisina at makipag digma sa mga barbaro at amazona na kasabayan ko sa MRT.
  • Malaki ang alok (pera) at wala pang kaltas (tax, SSS, PhilHealth).
  • Pwede akong tamarin at matulog maghapon dahil pasulpot sulpot lang ang aking mga gagawin.
  • Hawak ko ang buhay ko at ligtas ako sa mga mandurugas at mandurukot ng outside world.
  • Yung quota/work load eh madaling e meet.

Negatibo
  • Wala akong social life.
  • Mawawalan ako ng kaibigan at connection sa outside world.
  • Pwede akong ilaglag ng kompanya na lilipatan anytime or anyday na gugustuhin nila.
  • Walang kasiguraduhan kung tutupad sila sa mga agreement na binigay nila sa akin.
  • Magiging total EMO and loner ako.
Final Verdict

...Hindi ko tinanggap ang alok nila sa kadahilanan na mas masayang pumapasok sa opisina na nakikita mo ang mga bagay nagpapasaya at bumubuo ng araw mo (maliban yung mga taong nasa ika-anim na palapag, dusa ang inaabot ko sa kanila kada a-kinse at katapusan ng buwan)... Yun lang po. hehehe

2 Comments:

Rc said...

hahaha..

Anonymous said...

ahehe. buti naman masaya ka dito sa opis :)

- vanessa Ü